May bentahe ang PLDT Home Ultera laban sa Univ. of the Philippines
MANILA, Philippines - Sasandalan ng PLDT Home Ultera ang kanilang bentahe sa tao at experience sa tangkang final berths sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference laban sa University of the Philippines sa kanilang sagupaan sa The Arena sa San Juan sa Sabado.
Bilang pre-tournament favorite, maaapek-tuhan ang kampanya ng Home Ultera sa pagkakaroon ng injury sa likod ni spiker Alyssa Valdez.
Ngunit lumakas uli ang Ultra Fast Hitters sa pagkuha ng mga mahuhusay na American imports sa huling bahagi ng elims ng season-ending conference ng liga.
Ipinakita nina Victoria Hurtt at Sareea Freeman ang kanilang lakas matapos ang impresibong performance nang magposte ng 21 hits ang una at 15 points ang huli nang igupo ng Home Ultera ang Kia Forte, 25-12, 25-12, 23-25, 25-21 para makopo ang No. 2 seeding at itakda ang Final Four duel laban sa UP na tumapos bilang No. 3.
“We have the advantage against UP because of our experience,” sabi ni Home Ultera coach Roger Gorayeb. “We also have two foreign players who I think will give us more options.”
Tinalo ng Home Ultera ang UP, 25-12, 22-25, 25-15, 25-17 sa kanilang first round meeting.
Ngunit sinabi ni Gorayeb na kulang sila sa team cohesion kaya kailangan pa nilang mag-practice kasama sina Freeman at Hurtt para mag-peak ang team bago sumapit ang championship.
“If you’re going to ask me, we haven’t real-ly practiced that much. Hopefully, we could use this week to really get to familiarize with each other,” sabi ni Gorayeb.
Sa katunayan, nahirapang mag-adjust ang ace setter ng Home Ultera na si Rubie de Leon nang dumating sina Freeman at Hurtt.
- Latest