May mensahe ang Philips Gold

MANILA, Philippines – May ipinarating na mensahe ang Philips Gold matapos ang 28-30, 29-27, 25-17, 25-23 panalo kontra sa  defending champion Petron kagabi sa penultimate day ng elimination round ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Hindi nakalaro si Star spiker Myla Pablo ngunit hindi naramdaman ng Lady Slammers ang kanyang pagkawala dahil sa magandang inilaro ng koponan sa dalawang oras na laban sa prestihiyosong inter-club tourney n ahandog ng Asics sa tulong ng Milo kasama ang Senoh, Mueller at Mikasa bilang technical sponsors at TV5 bilang official broadcaster.

Doble-kayod sina Imports Bojana Todorovic at Alexis Olgard para punan ang butas na iniwan ni Pablo na hindi lumaro dahil may kailangang asikasuhin sa kanyang pag-aaral sa National University.

Humataw ang da-ting UCLA standout na si Todorovic ng 34 kills at may apat na aces para sa conference-high na 38 points at may malaking papel sa ibang departamento upang pabagsakin ang Blaze Spikers na naputol ang five-game winning streak.

Ang kanyang partner na si Olgard ay may 16 kills at apat na blocks para pangunahan ang depensa.

Tinapos ng Lady Slammers ang double-round eliminations na may 8-2 win-loss card bilang No. 1 habang bumagsak ang Blaze Spikers sa second spot sa 7-3 karta.

Makakaharap ng Phi-lips Gold ang Foton o Cignal depende sa resulta ng laban ng HD Spikers laban sa Meralco kagabi.

Show comments