^

PM Sports

Accel-PBA Press Corps Player of The Week: Stanley Pringle - Globalport

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa likod ng pamamayagpag ni 2014 PBA Rookie of the Year Stanley Pringle ay naikukunsidera na ang Globalport bilang isang championship contender sa Philippine Cup.

Laban sa Rain or Shine, ginamit ng dating Penn State standout ang kanyang matuwid na outside shooting, liksi at dribbling skills para basagin ang depensa ng Elasto Painters at tulungan ang Batang Pier sa 113-111 panalo noong nakaraang Biyernes sa Philsports Arena.

Nagsalpak ang six-foot Fil-Am guard ng layup laban sa tatlong defenders ng Rain or Shine para sa ikatlong sunod na panalo ng Globalport.

Dahil sa panalo ay nakagawa ang Batang Pier ng four-way logjam sa second hanggang fifth spots katabla ang Alaska Aces, Talk ‘N Text Tropang Texters at Elasto Painters.

May magkakapareho silang 3-1 baraha sa ilalim ng 4-1 record ng nagdedepensang San Miguel Beermen.

Tumapos si Pringle na may career-high na 27 points mula sa 11-of-15 fieldgoal shooting bukod pa sa 8 rebounds at 6 assists kontra sa Rain or Shine.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling nakamit ni Pringle ang Accel-PBA Press Corps Player of the Week award ngayong season. (RC)

ALASKA ACES

ANG

BATANG PIER

ELASTO PAINTERS

GLOBALPORT

N TEXT TROPANG TEXTERS

PENN STATE

PHILIPPINE CUP

PHILSPORTS ARENA

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

ROOKIE OF THE YEAR STANLEY PRINGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with