Dismayado si Cone sa pagkatalo ng Gins
MANILA, Philippines – Mahigit isang oras pagkatapos ng pagkatalo ng Ginebra kontra sa San Miguel bago lumabas ng dugout si coach Tim Cone sa Philsports Arena noong Linggo.
Dahil hindi mahigpit ang seguridad, may nakapasok na mga fans sa loob at nag-abang sa labas ng dressing room para makita ang kanilang mga paboritong Gin Kings.
Hindi halos pinansin si Cone nang lumabas ito ay dinaanan lang ang mga fans pero hinabol siya ng ilang sportswriters.
Huminto siya at nagsalita tungkol sa kanyang koponan na nasa ilalim ngayon ng team standings.
“Obviously, it didn’t turn out the way we wanted,” ani Cone ukol sa kanilang laro.
Naghabol sila ng 23 points sa fourth quarter.
“We got disappointed when we fell behind. We’re not at their (Beermen) level and it was very obvious tonight,” ani Cone na sinisisi ang kahusayan ng San Miguel. “They’re just too good for us now. That team is just too good, they’re too honed, they know what they want to do.”
Ang mga top five scorers ng San Miguel sa pa-ngunguna nina Arwind Santos at June Mar Fajardo ay mas malaki pa ang produksiyon laban sa buong Ginebra team, 84-82.
Ang Beermen ay may siyam na turnovers lamang sa 48 habang doble nito ang error ng Gin Kings.
May 14 three-pointers din na ipinasok ang San Miguel habang 0-of-12 ang Ginebra.
“They (Beermen) know how to play the game possession by possession, and they’re just things we don’t know yet,” sabi pa ni Cone. “I’m really disappointed with our plays and disappointed for the fans that they have to watch that, we’ll just get better from here.”
- Latest