ATLANTA – Umiskor si Derrick Favors ng 23 points, habang nag-ambag si Rodney Hood ng 20 points para pangunahan ang Utah Jazz sa 97-96 pagtakas laban sa Atlanta Hawks at wakasan ang kanilang three-game losing skid.
Tumapos si Paul Millsap na may season-high na 28 points sa panig ng Hawks ngunit nabi-gong maisalpak ang isang 3-point attempt sa huling minuto ng laro pati na ang isang 12-footer sa pagtunog ng final buzzer.
Ito ang ikatlong pagka-talo ng Atlanta sa kanilang huling apat na laro.
Hindi naglaro si point guard Jeff Teague dahil sa namamagang bukung-bukong (ankle) kaya sumabak sa aksyon ang Hawks na wala ang kanilang se-cond-leading scorer.
Nagdagdag si Dennis Schroder ng 11 points at 9 assists sa pagsalo sa naiwang trabaho ni Teague.
Naglista sina Al Horford at Kent Bazemore ng tig-16 points para sa Hawks.
Kinuha ng Utah ang seven-point lead mula sa runner ni Alec Burks sa 2:20 minuto ng fourth quarter.
Ang tres ni Horford sa natitirang 33 segundo ang naglapit sa Atlanta sa 96-97.
Naimintis ni Favors ang kanyang jumper sa po-sesyon ng Utah ngunit nahablot naman ang rebound mula sa mintis ni Millsap.
Sa Oklahoma City, kumamada si Marcus Smart ng career-high na 26 points para ihatid ang Boston Celtics sa 100-85 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.
Tumipa si Isaiah Thomas ng 20 points, habang may 14 si Avery Bradley at 8 si Jared Sul-linger na humablot ng 15 rebounds para tulungan ang Celtics na ipanalo ang kanilang ikatlong laro sa huling apat na laban.
Sa Sacramento, Calif., humugot si DeMarcus Cousins ng 10 sa kanyang 36 points sa fourth quarter at kumolekta ng 10 rebounds para igiya ang Sacramento Kings sa 107-101 panalo laban sa Toronto Raptors.
Umiskor si Rudy Gay ng 26 points at may 14 si Omri Casspi para sa ikatlong sunod na panalo ng Sacramento.