MANILA, Philippines – Pag-aagawan ng mga nangungunang Petron at Philips Gold ang No. 1 seeding sa semifinals sa pagtatapos ngayon ng double-round eliminations ng 2015 Philippine Superliga Grand Prix sa The Arena sa San Juan.
Magsisimula ang laro sa alas-4:00 ng hapon kasunod ang laban sa pagitan ng Cignal at Meralco sa alas-6:00 ng gabi para sa women’s inter-club tourney na handog ng Asics at suportado ng Milo katulong ang Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical sponsors at TV5 bilang official broadcaster.
Galing sa straight-set panalo laban sa Foton nitong weekend, ang Blaze Spikers ang kinokonsi-derang pinakamainit na koponan ngayon matapos ang limang sunod na tagumpay upang okupahan ang lide-rato taglay ang 7-2 win-loss mark.
Tulad ng Petron ay mainit din ang Philips Gold matapos ang dalawang straight-set wins kontra sa Meralco at Cignal kamakailan kaya magiging kapana-panabik ang kanilang sagupaan bilang mga top teams ng liga bukod pa sa pagiging krusyal ng laban dahil malalaman kung sino ang ookupa ng top seed sa do-or-die semifinals na gagawin sa susunod na linggo.
“This is going to be a very important game for both teams,” sabi ni Petron coach George Pascua. “Although it doesn’t really matter who will be the no. 1 or no. 2 in the semis, both of us want to win to gain enough momentum for the semis. This game should serve as our springboard for tough battles ahead.”
Sang-ayon dito si Philips Gold coach Francis Vicente.
“As much as possible, we want to avoid Petron in the semis due to their depth and experience,” aniya. “But since we are going to face them in the last day of eliminations, we are planning to go all out to create a mental note that Petron is also beatable. “