Tadlas, Aclo nanguna sa Milo Marathon Butuan

BUTUAN CITY, Philippines – Parehong sini-mulan nina Bobby Tadlas at Michell Ann Aclo ang kanilang paglahok sa Milo Marathon noong 2009 pero ngayon lang nila natikman  ang kanilang kauna-una-hang panalo sa 21-kilometer event.

Pinangunahan ng 24-anyos na si Tadlas at ng 28-anyos na si Aclo ang men’s at women’s 21K division ng 39th National Milo Marathon qualifying leg kahapon dito.

Naorasan si Tadlas ng tiyempong 01:13:25 para iwanan sina Ramil Neri (01:13:32) at Arlon Gape (01:17:02).

Naglista naman si Aclo ng bilis na 01:42:13 para talunin sina Jennifer Red Salceda (01:51:23) at Janette Mendoza (01:55:11).

Kapwa inangkin nina Tadlas at Aclo ang premyong tig-P10,000 at ang tiket para sa Milo National Finals na nakatakda sa Disyembre 6 sa Angeles, Pampanga.

Ang tatanghaling Milo Marathon King at Queen ay ipapadala sa Uni-ted States at mabibigyan ng tsansang makasali sa 2016 Boston Marathon.

Simula noong 2009 ay palagi nang sumasali ang tubong Bukidnon na si Tadlas sa Milo Marathon kung saan siya nagsimula sa paglahok sa 5K ca-tegory at ngayon ay sa 21K division.

Binasag din ni Tadlas ang kanyang personal best record para ipakita ang kahandaan sa 2015 Milo National Finals.

Pumangalawa naman ang 28-anyos na si Aclo, isang Computer Science student mula sa Surigao, noong nakaraang Butuan qualifying race.

Show comments