LeBron bantay sarado kay Bayless
MILWAUKEE — Nagposte si Jerryd Bayless ng 17 points at hindi pinaiskor si LeBron James sa se-cond overtime para tulungan ang Milwaukee Bucks sa 108-105 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.
Sa panalong ito ng Bucks, pinigilan nila ang eight-game winning streak ng Cavaliers.
Tumapos si James, may 37 points para sa Cleveland na natalo sa unang pagkakataon matapos isuko ang 95-97 kabiguan sa Chicago Bulls sa season opener noong Oct. 27.
Nagtala rin si Michael Carter-Williams ng 17 points para sa Milwaukee habang humakot si Gian-nis Antetokounmpo ng 16 points at 11 rebounds sa loob ng 45 minuto bago ma-foul out sa hu-ling 3:15 minuto sa se-cond overtime.
Kumolekta naman si Greg Monroe ng 16 points at 17 rebounds para sa Bucks.
Nang ma-foul out si Antetokounmpo ay si Bayless na ang naatasang magbantay kay James at hindi niya pinaiskor ang Cleveland star hanggang matapos ang laro.
Nagsalpak si J.R. Smith ng 3-pointer sa huling 27 segundo para ilapit ang Cleveland sa 105-108.
Naimintis ni Bayless ang kanyang running one-hander sa nalalabing 5 segundo, subalit nahablot naman ni Monroe ang offensive rebound sa huling 3 segundo para tiyakin ang panalo ng Milwaukee.
Humakot si Cavaliers forward Kevin Love ng 24 points at 14 rebounds para sa kanyang ika-300 career double-double sa 449 NBA games.
Nalimitahan naman si Mo Williams, pumalit kay injured Kyrie Irving, sa 4 points mula sa kanyang average na 16.9.
Sa pagkakatabla ng laro sa first overtime ay sinupalpal ni James ang tira ni Bayless sa huling 10 segundo.
- Latest