MANILA, Philippines – Bumawi ang Cignal HD matapos matalo sa fourth-set sa pamamagitan ng dominanteng performance sa deciding set tungo sa 25-22, 21-25, 25-23, 11-25, 15-8 panalo kontra sa PLDT Home Ultera para makopo ang unang finals berth sa Spikers’ Turf Season 1 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.
Dumaan din sa butas ng karayom ang top seed Air Force bago talunin ang Navy, 25-15, 20-25, 29-27, 24-26, 15-12 para isaayos ang finals showdown laban sa HD Spikers para sa season-ending conference ng kauna-unahang men’s volley league na handog ng PLDT Home Ultera.
Sisimulan ng Cignal at Air Force ang best-of-three title series sa Sabado.
Sinapawan ni Lorenzo Capate Jr. si Mark Gil Alfafara sa labanan ng mga top hitters ng liga nang magpakawala ito ng malalakas na atake sa deciding set upang pangunahan ang twice-to-beat na HD Spikers tungo sa best-of-three finals.
Nalamangan sa hits ni Alfafara si Capate, 28-26 ngunit nakabawi ang huli sa huling bahagi ng labanan upang ipagkait ng Cignal sa No. 3 Ultra Fast Hitters ang sudden death.
“We played tougher and aggressive in the fifth,” sabi ni Cignal coach Michael Carino.
Kapos ang Cignal sa attack points, 59-62 at blocks, 11-12 ngunit natabunan ito ng kanilang eksplosibong performance sa fourth set bago tuluyang sini-guro ang panalo sa fifth.
Masakit na pagka-talo ito para sa Navy na naka-ungos sa Instituto Estetico Manila, 28-30, 25-19, 28-26, 14-15, 15-12, noong Sabado at pinuwersa ang No. 1 Air Force sa five setter bago kumulapso sa huli.
Nauna rito, ibinigay nina Herschel Ramos, Edmar Bonono at Alexis Faytaren ang kailangang suporta ni Capate sa kanilang pinagtulung-tulungang 33 hits habang sina Red Christensen ay nagdagdag ng 7-markers para sa HD Spikers.
Tumapos si Ron Galang ng 17 points habang sina Henry Peca-a at Peter Torres ay may 12 at 11 markers ayon sa pagkakasunod.