LIPA CITY, Philippines – Sa malamyang inilaro ng kanilang mga pambato, sumandal ang nagdedepensang Petron kina Maica Morada, Frances Molina at Brazilian import Rupia Inck para makisalo sa liderato.
Pinabagsak ng Lady Blazers ang Foton Tornadoes, 27-25, 25-23, 25-16, sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament kahapon dito sa De La Salle-Lipa Sentrum.
Nagposte si Inck ng 17 kills at 2 blocks para sa kanyang game-high na 19 points, habang nag-ambag ng 13 points si Rachel Anne Daquis para sa Petron na naghahangad ng kanilang ikatlong sunod na korona.
Magkasosyo sa liderato ang Blaze Spikers at ang Philips Gold Lady Slammers sa kanilang magkatulad na 7-2 marka.
Ang mananalo ang makakapitas sa top seeding para harapin ang fourth seed sa ‘do-or-die’ semifinals sa susunod na linggo.
Bumaba naman sa 6-4 ang Foton at makukuha ang fourth spot kung mananalo ang Cignal (6-3) kontra sa Meralco bukas.
Winakasan ng Blaze Spikers ang five-game winning run ng Tornadoes.
Nalimitahan din ng Petron sina American imports Lindsay Stalzer at Katie Messing.
Sa ikalawang laro, tinalo ng Meralco ang RC Cola-Air Force, 25-21, 28-26, 25-21.