^

PM Sports

Pinas, lima pa maglalaban para sa hosting rights ng isa sa tatlong OQT

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mula sa naunang 10 bansa ay anim na lamang ang mag-aagawan para sa hosting rights ng tatlong FIBA Olympic Qualifying Tournaments (OQTs) na magkakasabay na idaraos sa Hulyo 4-10, 2015.

Opisyal na inihayag kahapon ng International Basketball Federation (FIBA) ang pagsusumite ng official bid ng Pilipinas, Czech Republic, Germany, Italy, Serbia at Turkey para maging host ng isa sa tatlong Olympic wildcard play.

Nawala naman sa listahan ang Greece, Iran, Israel at Mexico.

Isang non-European bidding country, determinado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na makamit ang hosting rights ng OQT.

Para madetermina ang magiging mga hosts, ikukunsidera ng FIBA ang “players welfare, stakeholder experience, facilities and infrastructure, legacy and com­mercial model.”

Dahil sa pagkakaroon ng anim na bansang gustong maging host ng isa sa tatlong OQT ay iniurong ng FIBA ang pagdedesisyon sa winning bidders at sa draw sa Enero ng susunod na taon.

“In order to properly assess each candidature, the evaluation period has been extended,” wika ng FIBA sa anim na cage federations.

Ang mga maglalaro sa wildcard competition ay ang France, Serbia, Greece, Italy at Czech Republic mula sa Europe, ang Canada, Mexico at Puerto Rico ga­ling sa America, Angola, ang Tunisia at Senegal buhat sa Africa, ang New Zealand sa Oceania at ang Pilipinas, Iran at Japan mula sa Asia.

ACIRC

ANG

CZECH REPUBLIC

DAHIL

ENERO

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

NEW ZEALAND

OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENTS

PILIPINAS

PUERTO RICO

SAMAHANG BASKETBOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with