Olympic qualifiers host malalaman sa Jan. 19

MANILA, Philippines – Maaaring naisumite sa oras ng iba pang bansang naghahangad na makuha ang isa sa tatlong Olympic Qualifying Tournaments (OQT) ang kanilang mga bidding requirements kaya iniurong ng International Basketball Federation (FIBA) ang pagdedesisyon kaugnay sa winning bidder.

Kahapon ay iniha-yag ng FIBA Executive Committee ang pag-aatras ng kanilang pagde-desisyon sa Enero 19, 2016 kaya iniurong na rin ang OQT Draw Ceremony sa Enero 26, 2016.

Sinabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na posibleng naipadala ng mga bansang gustong makuha ang karapatan na maging host ng OQT kaya iniurong ng FIBA ang pagdedesisyon.

May pirma ni FIBA secretary-general Patrick Baumann ang letter of communication na ibi-nigay ng FIBA sa mga presidente at secretary general ng mga national federations ng Pilipinas, Czech Republic, Germany, Greece, Iran, Israel, Italy, Mexico, Serbia at Turkey.

Nauna nang sinabi ni SBP president Manny V. Pangilinan na gagawin nila ang lahat para makamit ang hosting rights ng isa sa tatlong Olympic qualifying meet.

Huling nakapaglaro ang bansa sa Olympics noong 1972 sa Munich.

Ang mga bansang sasabak sa tatlong wildcard competition ay ang France, Serbia, Greece, Italy at Czech Republic (Europe), ang Canada, Mexico at Puerto Rico (America), ang Angola, Tunisia at Senegal (Africa), New Zealand (Oceania) at ang Pilipinas, Iran at Japan (Asia).

Magkakasabay na idaraos ang OQT sa Hulyo 5-11, 2016 at ang tatlong bansang magkakampeon sa naturang tatlong torneo ang makakapaglaro sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

Nakawala sa mga kamay ng Gilas Pilipinas ang nag-iisang Olympic berth para sa Asya sa nakaraang 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China nang bumagsak sa nagkampeong Chinese team.

Nauna nang naisumite ng SBP ang lahat ng bidding requirements sa Geneva headquarters ng FIBA bago ang deadline noong Nobyembre 11.

Show comments