MANILA, Philippines – Humugot si Curry ng 21 sa kanyang 24 points sa second half at tinalo ng Warriors ang Sacramento Kings, 103-94.
Nasa kanilang pinakamagandang pa-nimula ang Golden State (7-0) sapul nang lumipat sa West Coast.
Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng defending NBA champions para mapantayan ang 9-0 baraha ng Philadelphia Warriors noong 1960-61.
Nagtala ng halos 118 points kada laro, nalimitahan ang Sacramento sa kanilang season-low total.
Tumipa ang Kings ng 41 percent overall at naimintis ang 31 sa kanilang 39 tangka sa 3-point line.
“We couldn’t get our shots to go in tonight - it happens,’’ sabi ni Warriors’ interim coach Luke Walton. “But we found a way to grind it out. We had some wide open looks that wouldn’t go down. It was one of those random nights.’’
Naging malamya naman ang laro ni Curry, naglista ng average na 35.5 points mula sa 56.9 percent shooting.
Naglista si Curry ng 8-for-18 fieldgoal shooting kasama ang 2-for-10 clip sa 3-point range, ngunit nagawang makabuslo ng mahahalagang puntos sa second half.
Umiskor si Curry ng 11 points sa third quarter at 10 sa fourth period kung saan ginamit ng Warriors ang 16-5 run para talunin ang Kings.
“Never too high, ne-ver too low; that’s my motto,’’ ani Curry. “I’m not expecting to shoot lights out every game.’’
Nagdagdag si Klay Thompson ng 18 points kasunod ang 14 at 13 nina Andre Iguodala at Harrison Barnes, ayon sa pagkakasunod.
Pinangunahan naman nina Marco Bellinelli at Rudy Gay ang Sacramento sa kanilang tig-22 points.