MANILA, Philippines – Nalampasan ng Alaska ang matinding paghahabol ng Mahindra sa huling dalawang minuto ng fourth quarter para dumiretso sa kanilang pangatlong sunod na panalo at pagsosyo sa liderato.
Sumandal ang Aces kina JVee Casio, Vic Manuel at Calvin Abueva para talunin ang Enforcers, 98-94 upang makihati sa pangunguna sa 2015 PBA Philippine Cup noong Sabado ng gabi sa Al Wasl Sports Club sa Dubai, United Arab Emirates.
Tumapos si Manuel na may 17 points, ang 12 dito ay kanyang iniskor sa first half, habang kumolekta si Abueva ng 15 markers at 13 rebounds mula sa bench.
Nagdagdag si Casio ng 12 points para sa Alaska na lumamang ng 15 puntos sa first half bago nakatabla ang Mahindra sa 87-87 sa huling 1:27 minuto ng final canto.
Hawak ng Aces ang five-point lead sa natitirang 30 segundo ngunit muling nakadikit ang Enforcers sa 94-96 agwat sa pagbibida ni point guard LA Revilla, 5 segundo na lang. Ang dalawang free throws nina Casio at Abueva ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Aces.
Binanderahan ni Revilla ang Mahindra mula sa kanyang 19 points at 6, assists samantalang naglista si Mark Yee ng 17 markers at 13 boards.
Kasalukuyan pang nilalabanan ng Alaska ang Barangay Ginebra habang isinusulat ito hangad ang kanilang ikaapat na sunod na arangkada para masolo ang liderato.
Samantala, target ng NLEX ang kanilang ikatlong dikit na panalo sa pagsagupa sa Star ngayong alas-5:15 ng hapon matapos ang bakbakan ng Barako Bull at Globalport sa alas-3 sa Philsports Arena.
ALASKA 98 – Manuel 17, Abueva 15, Casio 12, Baguio 8, Thoss 7, Dela Rosa 7, Menk 7, Dela Cruz 6, Hontiveros 6, Jazul 5, Banchero 4, Magat 4, Baclao 0, Exciminiano 0.
Mahindra 94 – Revilla 19, Yee 17, Canaleta 12, Ramos 12, Bagatsing 8, Guinto 6, Pinto 5, Paredes 5, Laure 4, Hubalde 4, Webb 2, Pacquiao 0, Baloria 0, Alvarez 0.
Quarterscores: 31-22; 53-40; 70-66; 98-94.