PLDT, Navy agawan sa ika-2 semis slot

MANILA, Philippines – Ikalawang puwesto sa semifinals ang pag-aagawan ng PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters at Navy Lady Sailors sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang natatanging laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera ay mapapanood sa ganap na ika-12:45 ng hapon.

Kasalo ang PLDT ng pahingang UP Lady Maroons sa ikalawang puwesto sa 2-1 karta habang nasa ibaba nila ang Navy sa 2-2 karta.

Ang paglalabanang ikatlong panalo ng dalawang koponan ay sapat na para maging ikalawang koponan kasunod ng Army Lady Troopers na pumasok na sa semifinals.

Ito ay dahil ang Coast Guard Lady Dolphins at Kia Forte na mayroong 1-3 at 0-3 marka ay hanggang dalawang panalo na lamang ang puwedeng kunin sa liga.

Sasandalan ng PLDT ang 25-12, 22-25, 25-15, 25-17 panalo na naiposte sa Lady Maroons sa hu-ling laro para tumibay ang paghahabol ng upuan sa next round.

Sa kabilang banda, motibasyon ng Lady Sailors ang 14-25, 17-25, 14-25 pagkatalo sa Lady Troopers para mailabas pa ang natatagong galing at makatiyak ng upuan sa semis.

Show comments