^

PM Sports

D-Rose umangat sa panalo ng Bulls

Pang-masa

CHICAGO -- Hina-yaan ng Chicago Bulls na makawala ang kalama-ngan ngunit hindi na hina-yaan pa ni Derrick Rose na makawala rin ang panalo.

Nagpamalas ng impresibong laro si Rose sa huling maiinit na minuto ng labanan para lumikom ng kabuuang 29 points at nagdagdag si Jimmy Butler ng 26 upang ihatid ang Bulls sa 104-98 vpanalo kontra ay Kevin Durant at sa Oklahoma City Thunder nitong Huwebes ng gabi.

Hindi pa alam kung magpapatuloy ang ganitong laro ni Rose ngunit nakita ang pormang pang-MVP nito matapos umiskor ng 10 points sa mahigit 3-minuto upang ihatid sa panalo ang Bulls matapos maglaho ang 10-point lead sa fourth quarter.

“For him to have a game like this, I know this is a huge confidence booster,’’ sabi ni coach Fred Hoiberg.

Itinabla ng Oklahoma City ang iskor papasok sa huling 5-minuto ng laro ngunit ang performance ni Rose sa closing minutes ang tumabon sa 33 point performance ni Durant para sa panalo ng Bulls na natambakan sa pagkatalo kontra sa Charlotte kamakailan lamang.

Hawak ng Chicago ang 98-96 kalamangan nang ibaon ni Rose ang magkasunod na jumpers para sa six-point game, mahigit isang minuto na lang ang natitira.

Pagkatapos ng jumper, ni Durant, isang hook ang iniskor ni Pau Gasol sa huling 38.4 segundo ng laro na sumelyo ng panalo ng Bulls.

Lumaro si Rose na nakasuot pa rin ang face mask.

 

ANG

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

FRED HOIBERG

HAWAK

HINA

JIMMY BUTLER

KEVIN DURANT

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

PAU GASOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with