Twice-to-beat puntirya ng UST Tigers sa pagharap sa UE Warriors

MANILA, Philippines – Nakataya sa UST Tigers ang playoff para sa twice-to-beat advantage sa Final Four sa pagharap sa UE Warriors sa pagpapatuloy ng 78th UAAP men’s basketball ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.

May 9-2 marka ang Tigers at isang panalo pa ang magtutulak sa koponan para samahan ang FEU Ta-maraws na naka-playoff na para sa unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng elimination round.

Ang laro ay magsisimula sa ganap na ika-2 ng hapon at asahan ang palaban na Warriors na sa 3-7 karta ay kailangang mangibabaw upang manati-ling palaban sa puwesto sa susunod na yugto ng kompetisyon.

Galing ang UST sa 83-76 panalo laban sa UP Maroons  na nangyari noong Oktubre 25 para makaba-ngon agad mula sa 74-80 pagkatalo sa Ateneo Eagles.

“Isang target namin ay ang Final Four. Ngayong nakuha namin ito, pagsisikapan namin na makaabot na sa Finals,” wika ni Tigers coach Bong Dela Cruz.

Sina Kevin Ferrer, Ed Daquioag at Karim Abdul ang kakamada uli ngunit asahan ang kahandaan ng bench na ilabas uli ang mabangis na laro para maulit ang 83-76 panalo sa Warriors noong Oktubre 7.

Ipaparada naman ng Eagles ang tatlong sunod na panalo sa pagsukat uli sa UP Maroons sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Ang winning streak na ito ang nagbangon sa Eagles mula sa 3-4 panimula.

Huling panalo nila  ay naitala sa nagdedepensang kampeong National University Bulldogs, 68-59 at kinakitaan ito ng pagkamada ni Kiefer Ra-vena ng 32 puntos, at dalawa lamang rito ay hindi ginawa sa first half.

Kapansin-pansin din ang matibay na depensa ng Eagles dahil ang 59 puntos ng NU ang ikalawang pinakamababang puntos na ibinigay sa season kasunod ng 43 na naiskor lang ng Maroons sa panalong nailista kontra sa Ateneo sa first round (56-43). (AT)

Show comments