MANILA, Philippines - Nagpasikat ang La Salle sa labanan para sa overall championship sa 78th UAAP seniors’ division.
Limang event na ang natapos sa larangan ng beach volleyball, swimming, table tennis, badminton at taekwondo at ang Archers ay nakalikom na ng kabuuang 121 puntos.
Sinasandalan ng La Salle ang sweep sa table tennis at panalo sa women’s beach volleyball.
Pumangalawa ang kanilang men’s swimming at badminton, habang pumangatlo sila sa men’s, women’s at coed sa taekwondo at sa women’s swimming.
Ang nagdedepensang overall champion na UST ang nasa ikalawang puwesto taglay ang 110 puntos kasunod ang Ateneo (95 puntos).
Kampeon ang UST sa men’s sparring at poomsae sa taekwondo.