MANILA, Philippines - Iinit ang tagisan sa pagbabalik ng aksyon sa 78th UAAP women’s basketball bukas dahil magtutuos ang mga koponang naghahabol pa ng puwesto sa Final Four.
Ang nagdedepensang National University Lady Bulldogs (10-0) at La Salle Lady Archers (9-1) ang mga koponang pasok na sa semifinals at ang Lady Bulldogs ay nakatiyak na rin ng ‘twice-to-beat’ advantage kung hindi makukumpleto ang 14-0 sweep sa double round elimination.
Huling panalo ng NU ay nakuha laban sa Adamson, 75-49, para lumawig na rin sa 28-game ang kanilang pagpapanalo na nagsimula noong nakaraang taon.
Ang UST Tigresses ang nasa ikatlong puwesto sa 5-5 baraha, habang ang iba pang kasali at ang kanilang records ay Ateneo Lady Eagles (4-6), UE Lady Warriors (4-6), Adamson Lady Falcons (3-7), UP Lady Maroons (3-7) at FEU Lady Tamaraws (2-8).
Apat pang laro ang haharapin ng walong koponan kaya’t wala pang napapatalsik sa kompetisyon.