^

PM Sports

NCFP magsasagawa ng dalawang international tournaments

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magiging punong abala ang National Chess Fe­deration Philippines (NCFP) ng dalawang magka­sunod na international chess tournaments sa buwan na ito.

Ang Subic Bay Peninsular Hotel ang siyang pag­darausan ng torneo at ang unang event ay ang Philippine International Chess Championships mu­la Nobyembre 9 hanggang 14 habang ang PSC-Puregold International Chess Championships ay gagawin mula Nobyembre 15 hanggang 21.

Hindi pa pinangangalanan ang mga darating ng GMs pero ito ay magmumula sa China, Indonesia, Vietnam, India at Belgium.

Ang dalawang torneo ay sinahugan ng $21,150 bilang kabuuang premyo at ang Open champion ay tatanggap ng $5,000.

Ang mga GMs ng bansa sa pangunguna ni 2015 Battle of the Grandmaster champion Richard Bitoon ang mangunguna sa laban ng bansa.

Ang mga IMs na sina Haridas Pascua at Paolo Ber­samina bukod sa WIM Janelle Mae Frayna ay ma­giging palaban din dahil puwede  nilang ma­kum­pleto ang GM norms upang maging ganap na Grandmasters.

Sina Pascua at Frayna ay nakadalawang GM norms na habang may isa na si Bersamina. Tatlong GM norms ang kailangan ng isang manlalaro para maging Grandmaster.

Sa Nobyembre 8 ang dating ng mga dayuhang man­lalaro at kinabukasan ang opening ceremony at ang aksyon sa unang round sa 10-round Swiss Sys­tem format.

ACIRC

ANG

ANG SUBIC BAY PENINSULAR HOTEL

BATTLE OF THE GRANDMASTER

HARIDAS PASCUA

JANELLE MAE FRAYNA

NATIONAL CHESS FE

NOBYEMBRE

PAOLO BER

PHILIPPINE INTERNATIONAL CHESS CHAMPIONSHIPS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with