MANILA, Philippines - Nakabangon ang Batang Gilas mula sa 10-point deficit sa fourth quarter ngunit kinapos sa dulo at isinuko ang 74-77 kabiguan sa South Korea sa FIBA-Asia Under-16 Championship sa Jakarta, Indonesia.
Ito ang unang kabiguan ng Nationals sa torneo matapos ang tatlong sunod na panalo.
Isasara ng batang Gilas ang elimination round sa pagsagupa sa China, umiskor ng 91-28 paglampaso sa Thailand para sa kanilang 4-0 record.
Mula sa 57-67 agwat ay nakabalik sa laro ang Nationals matapos makadikit sa 72-73 agwat sa huling 2:13 minuto ng final canto mula sa jumper ni Jonas Tibayan.
Ngunit nagsalpak si Lee Hyunjung ng tres para muling ilayo ang Koreans sa 76-72 sa huling 1:12 minuto.
Huling nakalapit ang Batang Gilas sa 74-76 buhat sa basket ni Jason Credo sa natitirang 10 segundo.