Heat bumangon para talunin ang Rockets
MIAMI -- Hindi naglaro si Udonis Haslem ng kahit isang segundo para sa Miami Heat.
Ngunit nagdomina siya sa locker room sa halftime.
Naging matulis ang sermon ni Haslem bilang team captain bukod pa sa pagsipa niya ng mga bote sa kanilang pulang locker room.
Sapat na ito para bumangon ang Heat mula sa 21-point deficit sa third period at kunin ang 109-89 panalo laban sa Houston Rockets.
“Absolutely awesome,” sabi ni Fil-American Heat coach Erik Spoelstra sa nasabing speech ni Haslem. “That’s what leaders do. By the time I got in there, he was already halfway through it and there wasn’t much that was needed to be said after that.”
Iniwanan ng Houston ang Miami, 44-65 sa kaagahan ng second half.
Ngunit bumalikwas ang Heat at umiskor ng 65 puntos kumpara sa 24 ng Rockets.
“At times, I can be kind of harsh,” ani Haslem. “But it’s harsh reality ... and it just comes out the way it comes out.”
Kumolekta si center Hassan Whiteside ng 25 points at 15 rebounds, habang nagdagdag si Dwyane Wade ng 20 points kasunod ang 14 ni Luol Deng para sa Miami, nauna nang nakabalik mula sa 27-point deficit para talunin ang Cleveland Cavaliers noong 2012-13 championship season.
Nagdagdag si Tyler Johnson ng 11 markers kasunod ang tig-10 nina Chris Bosh at Justise Winslow.
Pinamunuan naman ni Marcus Thornton ang Rockets sa kanyang 21 points, habang may 16 si James Harden mula sa malamyang 2-for-15 fieldgoal shooting.
“You can’t have a stagnant offense and not get stops,” sabi ni Harden. “That’s a sign of disaster, which happened in the second half.”
Muling ipinahinga ng Rockets si center Dwight Howard ngunit makikita sa aksyon laban sa Oklahoma City Thunder sa Lunes.
Sa Oklahoma City, umiskor si Kevin Durant ng 25 points para tulungan ang Thunder sa 117-93 paggiba sa Denver Nuggets.
Nagsalpak si Durant ng 8-of-11 fieldgoal shooting kasama ang 6-of-6 clip sa free throw line para ibigay sa bagong coach na si Billy Donovan ang 3-0 record.
Naipanalo ng Thunder ang kanilang unang tatlong laro sa unang pagkakataon matapos noong 2011-12 season.
Tumipa si Serge Ibaka ng 18 points, 7 rebounds at 5 blocks, habang kumolekta si Westbrook ng 15 points at 9 rebounds.
- Latest