^

PM Sports

PSL may plano na para sa 2016

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa man natatapos ang 2015 season ay nag­paplano na ang Philippine SuperLiga ng prog­rama para sa ikaapat na taon ng liga.

Bukod sa pinaigting na local tournaments, may dalawang international events din ang nakapasok sa susunod na taon sa hangaring ipagpatuloy ang pag-akyat ng women’s volleyball sa bansa.

“Due to our tremendous success this year, we have decided to treat fans to a year-round of intense volleyball action,” wika ni PSL president Ra­mon “Tats” Suzara.

Magsisimula ang aksyon sa Pebrero ng 2016 sa isang In­vitational Cup bago sundan ng isang beach volleyball tournament sa Mayo.

Ang All-Filipino Conference ay gagawin sa Hun­yo at ipaparada rito ang mga baguhan mula sa mga collegiate leagues UAAP at NCAA.

Sa Oktubre lalarga ang Grand Prix na katatampukang muli ng mga mahuhusay na imports, habang sa Disyembre ay may gagawin ding beach volleyball event.

Magiging abala rin ang PSL sa gaganaping AVC Asian Women’s Club Championship at kung ma­tutuloy ay ang FIVB World Women’s Club Cham­pionship. Ang mga petsa nito ay aalamin pa.

Dahil puno ang kalendaryo ng PSL sa 2016 ka­ya’t pinag-iisipan ng mga mother teams ang big­yan na ng taunang kontrata ang kanilang mga manlalaro sa halip na per-conference contract.

Ang sistema ay magreresulta rin para hindi na ma­kakapaglaro ang mga players sa ibang liga na hin­di sakop ng PSL.

ACIRC

ANG

ANG ALL-FILIPINO CONFERENCE

ASIAN WOMEN

CLUB CHAM

CLUB CHAMPIONSHIP

GRAND PRIX

MGA

SA OKTUBRE

SHY

WORLD WOMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with