^

PM Sports

Mayweather itinanggi ang rematch

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos talunin sa loob ng 12 rounds ay pinatumba naman ni Floyd Mayweather, Jr. ang usapan ukol sa sinasabing rematch nila ni Manny Pacquiao.

Sa isang text sa kanyang kaibigang si Stephen A. Smith ng ESPN, sinabi ni Mayweather na walang nangyayaring pag-uusap para sa ikalawang pagtutuos nila ng Filipino world-eight division champion na si Pacquiao sa susunod na taon.

“It’s totally false. I’m not fighting anyone,” ang maikling sagot ni Mayweather sa tanong sa kanya ni Smith sa sinasabing rematch nila ni ‘Pacman’ sa 2016.

Sinabi kamakailan ni Pacquiao na pinaplantsa na ang kanilang rematch ni Mayweather para sa pinakahuli niyang laban sa 2016 bago magretiro at tutukan ang kan­yang pagtakbo para sa isang silya sa Senado.

Tinalo ng 38-anyos na si Mayweather ang 36-anyos  na si Pacquiao via unanimous decision noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Matapos dominahin si Andre Berto para pantayan ang record na 49-0-0 win-loss-draw ring record ni heavyweight great Rocky Marciano ay nagretiro si Mayweather noong Setyembre.

Pinabulaanan din ito ni Leonard Ellerbe, ang CEO (Chief Executive Officer) ng Mayweather Promotions ng American world five-division titlist.

“Floyd Mayweather is RETIRED, end of discussion,” inis na pahayag ni Ellerbe sa kanyang Twitter account na @FloydMayweather.

ACIRC

ANDRE BERTO

ANG

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

LEONARD ELLERBE

MATAPOS

MAYWEATHER

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with