Alaska sumalo sa unahan

MANILA, Philippines – Naghatid ng walong puntos sa huling yugto si Vic Manuel para tulungan ang Alaska Aces sa kanilang ikalawang sunod na panalo gamit ang 87-79 tagumpay laban sa Blackwater Elite sa PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Binigyan ng magandang laban ng Elite ang Aces pero sa mahahalagang tagpo ng tunggalian ay lumabas ang pagiging mas beterano ng tropa ni coach Alex Compton na ang koponan ay naiwanan ng pito, 41-48 sa first half.

“Blackwater outplayed us in the first half. But we came out with fire in the second half. I though our defense improved significantly in the second half,” wika ni Compton naunang nanalo sa Talk  ‘N Text, 114-98.

Si Manuel ay tumapos taglay ang 13 puntos tulad ni Chris Banchero at ang kanyang apat na puntos ang nagpasiklab sa 6-0 run matapos dumikit ang Elite sa 73-71.

May 13 puntos si JP Erram para pangunahan ang Elite na natalo sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ang buslo ng dating Ateneo center ang nagpatikim ng 66-64 bentahe pero bumanat ng dalawang free throws si Banchero habang pumukol ng 3-pointer si Dondon Hontiveros para bigyan ang Aces ng 69-66 kalamangan papasok sa huling yugto.

Sina Banchero at Tony dela Cruz ang nagbukas ng scoring sa huling yugto para tuluyan nang hawakan ng Aces ang momentum.

Muli ay nakita ang bangis ng depensa ng Alaska nang limitahan lamang ang Elite sa 30 percent shooting mula sa 24-of-79 marka.

ALASKA 87 - Banchero 13, Manuel 13, Dela Cruz 11, Casio 10, Abueva 7, Dela Rosa 7, Thoss 6, Hontiveros 5, Baclao 4, Baguio 4, Exciminiano 4, Jazul 2, Magat 1, Eman 0.

BLACKWATER 79 - Erram 13, Cervantes 11, Canada 10, Melano 10, Cortez 9, Reyes 7, Gamalinda 5, Ballesteros 4, Sena 4, Agovida 3, Golla 2, Lastimosa 1, Vosotros 0.

Quarterscores: 20-22, 41-48, 69-66, 87-79.

 

Show comments