MANILA, Philippines – Dadaan sa mas mahirap na ruta ang mga pambato ng bansa sa hangaring mapagharian ang 40th US Open 9-ball Championship na idinadaos sa Sheraton Waterside sa Norfolk, Virginia.
Ito ay dahil ang dala-wang panlaban na nasa winner’s bracket at natalo sa kanilang huling asignatura.
Si Carlo Biado ay hindi umubra kay Jayson Shaew ng England, 7-11, habang nabigo rin si Kiam-co kay Ralf Souquet ng Germany, 4-11.
Ang kabiguang ito ay nagresulta upang samahan ang limang iba pang pambato ng bansa na sisika-ping alpasan ang loser’s side para maging palaban pa sa titulo ng torneo.
Hihintayin ni Biado ang mananalo sa pagitan nina Darren Appleton ng Great Britain at Nick van den Berg ng Netherlands habang si Kiamco ang kaharap ng magwawagi sa pagitan ng Pinoy na si Dennis Orcollo at Skyler Woodward ng USA.
Umabot si Orcollo sa round na ito nang talunin si Kenichi Uchigaki ng Japan, 11-7, sa unang laro sa loser’s side.
Ang mga natalo agad sa first round na sina Jeffrey Ignacio, Jundel Mazon, Roberto Gomez at Francisco Felicilda ay buhay pa rin sa one-loss side.
Tinalo ni Ignacio sina Earl Strickland ng USA, 11-5, Shaun Wilkie ng USA, 11-6 at Alexander Kazakis ng Greece, 11-8, para itakda ang pagkikita nila ni Marco Teutscher ng Netherlands.
Si Mazon ay wagi kina Michael Wong, 11-7, at Brandon Shuff, 11-5, ng US at kay Nick Ekonomopoulos ng Greece, 11-8. Tangka niyang umabante pa kung mananalo kay Jason Klatt ng Canada.
Wagi si Roberto Gomez kina Nguyen T N ng Vietnam, 11-3 at Canadian Martin Daigle, 11-8 at sunod niyang kalaban si Denis Grabe ng Estonia.