Ruben Tupas angat sa lahat ng mga trainers
MANILA, Philippines – Habang dikitan ang labanan sa hanay ng mga kabayo, hinete at may-ari ng kabayo, kakaiba naman ang tagisan sa mga trainers dahil lutang ang husay sa kanyang hanay ni Ruben Tupas.
Halos kalahati ang layo ng beteranong trainer sa mga katunggali upang ipalagay na siya uli ang lalabas bilang pinakamahusay na trainer kahit may tatlong buwan pa ang nalalabi bago matapos ang aksyon sa horse racing sa 2015.
Pumalo na ang kita ni Tupas sa P3,009,572.92 nang nasa 186 panalo na ang kanyang mga sinasanay na kabayo. May 127 pang pumangalawa, ng puma-ngatlo 139-beses at pumang-apat ng 118 pagkakataon para tunay na mamayagpag sa kanyang hanay.
Si Dave dela Cruz ang nasa ikalawang puwesto pero nasa P1,788,309.11 lamang ang kita nito. Si Dela Cruz lamang ang trainer na may mahigit na 100 panalo sa 109 upang isama ang 97 segundo, 97 tersero at 107 kuwarto puwestong pagtatapos.
Limang iba pang trainers ang nasa P1 milyon list para malagay hanggang ikapitong puwesto.
Si AC Sordan Jr. ang nasa ikatlong puwesto sa P1,649,365.00 mula sa 86-100-87-103 karta bago sumunod si Conrado Vicente sa P1,519,076.01 sa 84-91-70-73 una hanggang ikaapat na puwestong pagtatapos.
Si Danilo Sordan ang nasa ikalima sa P1,481,411.61 (97-75-60-54); si RR Yamco ang nasa ikaanim sa P1,301,009.99 (81-84-73-68) at si Jan Lapus ang huling trainer na may mahigit isang milyon kita sa P1,046,388.75 sa 61-61-80-82 baraha.
Sina Al Francisco na may P754,152.44, RC Hipolito na may P886,221.09, at OA Velasquez na may P820,798.09, ang papasok sa unang sampung puwesto. (AT)
- Latest