MANILA, Philippines - Muling isusuot ni Kevin Durant ang uniporme ng Oklahoma City Thunder, nagbalik naman si LaMarcus Aldridge sa Texas at kumpleto pa rin ang lineup ng Golden State Warriors.
May pag-asa ang lahat ng koponan sa Western Conference na makuha ang NBA championship. Sa East, isang koponan ang maaaring lumaban para sa korona at ito ay ang Cleveland Cavaliers na nabigo sa Warriors sa nakaraang NBA Finals.
“Yes, we were able to get to where we wanted to get to, but we didn’t close the deal,” sabi ni LeBron James. “So we look forward to the opportunity once again to be able to go out there and continue to try to play at a high level.”
Ngunit maglalaro ang Cavs na tila hindi isang championship material sa kanilang season opener ngayon laban sa Bulls sa Chicago kung saan nagkaroon ng problema si James sa kanyang likod sa preseason habang nagbabalik naman si Kevin Love matapos maoperahan ang balikat at bumabangon pa lamang si Kyrie Irving sa kanyang knee surgery.
Subalit nasa kanila ang mga tamang piyesa matapos maglabas ng malaking pera para mabuo ang sinasabing ‘most expensive team’ sa NBA history.
“The Cavaliers, man, they are loaded,” wika ni Charles Barkley ng TNT. “I just want to see them healthy.”
Hindi kinaya ng Cavs sa nakaraang season ang Warriors, nagtala ng 67 panalo sa unang season ni coach Steve Kerr. Hindi makikita sa bench si Kerr sa season opener ng Golden State dahil sa kanyang pinapagaling na back injury.
“What’s great about us, we’re all so competitive, that I don’t think complacency will be an issue,” sabi ni All-Star Klay Thompson. “But we love having the bullet on our back.”
Karamihan sa mga naghahabol sa Warriors ay ang nagpalakas ngayong season na Thunder kung saan babalik na si Durant matapos mabalian ng buto sa paa at Portland Trail Blazers na makakasama na si Aldridge na umalis sa para lumipat sa San Antonio Spurs at makasama sina Tim Duncan at Kawhi Leonard at ang mga hugot na sina Ty Lawson at Paul Pierce.
Magiging palaban uli ang Memphis Grizzlies, samantalang muling sasandig ang New Orleans Pelicans kay Anthony Davis.
May pitong koponan na nagposte ng 50 panalo sa nakaraang season at isama na ang Oklahoma City dito matapos manalo ng 45 laro sa likod ni guard Russell Westbrook.