MANILA, Philippines – Nalampasan nina Indonesians Marissa Vita at Keshya Hanadia ang pagbangon nina Alyssa Leonardo at Thea Pomar sa second set para kunin ang 21-11, 23-21 panalo para makopo ang Open women’s doubles crown sa Bingo Bonanza National Open Badminton Tournament sa Glorietta 5 Atrium sa Makati City noong Linggo.
Sinamantala nina Vita at Hanadia, nauna nang sinibak sina top seed Jessie Francisco at Eleanor Inlayo sa quarters, ang ilang errors nina Leonardo at Pomar ng PBA-Smash Pilipinas para kunin ang first set.
Saglit silang pinakaba ng Pinoy tandem sa second frame bago tapusin ang kanilang laro sa loob ng 30 minuto.
Inangkin nina Vita at Nadia ang prem-yong P120,000.
Nakipagtambal naman si Vita kay local ace Ronel Estanislao para magkampeon sa Open mixed doubles sa pamamagitan ng 21-17, 21-15 panalo kina second seed Alvin Morada at Alyssa Leonardo.
Ibinulsa nina Peter Magnaye at Paul Vivas, ang dating Swiss Juniors champions, ang Open men’s doubles title matapos dominahin sina top seed Joper Escue-ta at Ronel Estanislao, 21-16, 21-18, sa week-long top ranking event na suportado ng official equipment na Victor PCOME at official sports drink na Gatorade.
Sina Sarah Joy Barredo at Mark Alcala ang nanalo sa singles event matapos talunin ng una si Airah Albo, 15-21, 21-16, 21-6, at payukurin ng huli si top seed Kevin Cudiamat, 21-14, 21-17, sa event na itinataguyod ng Bingo Bonanza at may basbas ng Philippine Badminton Association na pinamumunuan nina Vice President Jejomar Binay at sec-gen Rep. Albee Benitez.
Ang lahat ng doubles winners ay tumanggap ng P120,000, habang ang runners-up ay binigyan ng P72,000 at ang mga singles champions ay nag-uwi ng P100,000 kasunod ang P60,000 ng mga runners-up.