Beermen tumagay sa Davao

MANILA, Philippines – Binuksan ng San Mi­guel ang kanilang title de­fense sa pamamagitan ng panalo.

Nagtuwang sina back-to-back PBA Most Va­lua­ble Player June Mar Fa­jardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter sa fourth quarter para pagbidahan ang 97-86 panalo ng Beer­men kontra sa Globalport Batang Pier sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa University of Southeastern Philippines gym sa Davao City.

Umiskor si Fajardo ng 21 points, habang nag-ambag si Cabagnot ng 19 points kasunod ang 11 ni Arwind Santos at tig-10 nina Lassiter at Gabby Espinas para sa 1-0 kartada ng Beermen.

“Great game for us. Everybody expected us to win,” sabi ni coach Leo Austria. “Globalport prepared early it just so happens that we were also prepared.”

Nakauna ang Batang Pier sa 30-23 sa second period hanggang mag­lunsad ng atake ang Beer­men para kunin ang 13-point lead, 47-34, sa huling 1:56 minuto nito.

Itinayo ng San Miguel ang 14-point advantage, 88-74, sa 4:54 minuto ng fi­nal canto bago makalapit ang Globalport sa 86-93 sa huling 40 segundo.

Pinangunahan ni Stanley Pringle ang Batang Pier sa kanyang 20 mar­kers kasunod ang 16 ni Ketih Jensen, 13 ni Joseph Yeo at 10 ni Doug Kramer.

Samantala, tatargetin ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Mahindra ngayong alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro sa alas-5:15 ng hapon ita­tampok ng Barangay Gi­nebra ang kanilang ba­gong coach na si two-time PBA Grand Slam champion mentor Tim Cone laban sa Star.

Umiskor ang Elasto Painters ni bench tactician Yeng Guiao ng 96-87 pana­lo kontra sa Hotshots ni rookie coach Jason Webb at kumpiyansang ta­talunin ang Enforcers ni Manny Pacquiao.

San Miguel 97- Fajar­do 21, Cabagnot 19, Santos 11, Lassiter 10, Espinas 10, Lutz 9, Reyes 4, Heruela 3, Araña 3, De Ocampo 3, Ross 2, Tubid 2.

Globalport 86 - Pringle 20, Jensen 16, Yeo 13, Kra­mer 10, Maierhofer 6, Ro­meo 5, Uyloan 5, Wa­shington 5, Mamaril 4, Taha 2, Peña 0.

Quarterscores: 20-26; 49-37; 71-58; 97-86.

Show comments