Popovich papalit kay Krzyzewski bilang US coach sa 2017
SAN ANTONIO – Nang muling mangailangan ng isang professional coach ay pinili ng U.S. basketball team ang isa sa pinakamahusay na mentor sa NBA.
Magkakaroon ang 66-anyos na si Gregg Popovich, may limang NBA championships, ng tsansang maihatid ang Team USA sa Olympic gold medal.
Kinuha ang San Antonio Spurs coach bilang kapalit ni Mike Krzyzewski matapos ang 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.
“‘I can’t imagine having this opportunity,” sabi ni Popovich sa isang press conference. “It’s still sinking in ... but I love it.”
Simula sa 2017 ay si Popovich na ang mangunguna sa training camp ng Team USA bilang paghahanda sa 2019 Basketball World Cup.
Tinulungan ni Krzyzewski ang mga Americans sapul noong 2005.
Nang magdesisyon si USA Basketball chairman Jerry Colangelo na kumuha ng pro coach, hindi na siya tumingin sa iba.
“I had a short list,” wika ni Colangelo. “It started and ended with Pop.”
Itinuring ni Cleveland Cavaliers’ superstar LeBron James, naglaro sa tatlong Olympics, si Popovich bilang ‘best coach in the world’.
“Team USA is in good hands with him,” wika ni Jame. “It was in good hands with Coach K. It’s almost like ‘The Godfather.’ We hand it off to Michael Corleone now.”
Iginiya ni Krzyzewski ang koponan sa magkakasunod na Olympic gold medals, dalawang world titles at sa 75-1 record.
Mananatili ang Duke coach, ang unang collegiate coach na naging mentor ng U.S. team simula nang payagan ang mga NBA players na makapaglaro sa Olympics noong 1992, bilang special adviser kay Colangelo.
Si Popovich ay naging U.S. assistant noong 2002 world championships at noong 2004 Olympics.
Siya ay may 1,022-470 record bilang NBA coach.
Iginiya ni Popovich ang Spurs sa NBA titles noong 1999, 2003, 2005, 2007 at 2014.
- Latest