^

PM Sports

Tamaraws pasok sa final four

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kumilos ang FEU Ta­maraws sa huling yugto para balewalain ang naunang pagporma ng UE Warriors sa 71-67 panalo sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Sina Prinze Orizu, Rus­sel Escoto at  Roger Po­goy ang nagtulung-tu­long sa pitong sunod na puntos para palubugin ang tatlong puntos na ka­lamangan ng UE,  62-65, at gawin itong 69-65 bentahe sa huling isang mi­­nu­to.

Ito ang ika-siyam na pa­­nalo ng tropa  ni coach Nash Racela sa 10 laro para suwagin ang unang upuan sa Final Four.

“Its scary when you play UE because their don’t give up easily,” wi­ka ni Racela na sunod na tutumbukin ay ang Top Two spot na may ‘twice-to-beat’ advan­tage sa se­mi­­finals.

May 16 puntos si Mark Belo, habang sina Po­goy at Alejandrino Iñigo ay naghatid ng 12 at 11 puntos.

Ipinakita naman ng Adamson Falcons ang de­terminasyon na magkaroon ng magandang pagtatapos kahit namaalam na sa liga nang silatin ang La Salle Green Archers, 75-74, sa unang laro.

Isinelebra ni Joseph Nalos ang pagbabalik mu­la sa isang larong suspensyon sa kinanang 20 puntos at 12 rito ay sa huling yugto.

Si Pape Sarr ay may 23 puntos at 14 rebounds at ang dalawang free throws sa huling 15 segundo.

May tsansa ang La Salle na maihirit ang over­time nang ma-foul si Paolo Rivero ni Cristian Garcia ngunit ang unang buslo lamang ang kanyang napasok.

FEU 71 – Belo 16, Po­goy 12, Iñigo 11, Jose 8, Ori­zu 8, Ru. Escoto 6, Ri. Es­coto 4, Tolomia 4, Arong 2, Comboy 0, Dennison 0, Tamsi 0, Trinidad 0.

UE 67 – Batiller 13, Char­cos 10, P. Varilla 10, Abanto 8, Derige 8, J. Varil­la 7, Javier 5, Manalang 3, Palma 2, De Leon 1, Gonzales 0, Sta. Ana 0.

Quarterscores: 18-19; 34-34; 53-55; 71-67.

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ALEJANDRINO I

ANG

ATILDE

CRISTIAN GARCIA

DE LEON

ESCOTO

FINAL FOUR

JOSEPH NALOS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with