MANILA, Philippines – Kahit gustong hamunin ni Filipino world light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes si flyweight titlist Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez ay walang interes sa kanya ang Nicaraguan.
Sinabi ng kampo ni Gonzalez na mas gusto nilang labanan para sa isang rematch si Mexican Juan Francisco Estrada.
Matagumpay na naidepensa ni Nie-tes (37-1-4, 21 knockouts) ng Murcia, Negros Occidental ang kanyang suot na WBO light flyweight crown nang dominahin si Mexican challenger Juan Alejo (21-4-0, 13 KOs) nooong nakaraang Linggo sa StubHub Center sa Carson, California.
Sinabi ng 33-anyos na si Nietes na balak niyang umakyat sa flyweight division para hamunin ang 28-anyos na si Gonzalez (44-0-0, 38 KOs) na tu-malo kay Fil-Am Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria (36-5, 22 KOs) noong Linggo sa Madison Square Garden sa New York.
Ngunit hindi siya ang nais harapin ni Gonzalez.
Mas gusto ni Gonzalez na itaya ang kanyang hawak na World Boxing Council flyweight title kontra kay Estrada (33-2-0, 24 KOs) sa ikalawang pagkakataon.
Tinalo na ni Gonzalez si Estrada, ang World Boxing Association flyweight title-holder, sa pamamagitan ng unanimous decision noong Nobyembre ng 2012.
Si Gonzalez ang iniluklok na bagong ‘pound-for-pound king’ matapos magretiro si Floyd Mayweather, Jr. Sinasabing malaki ang tsansa ni Gonzalez na maduplika ang ipinosteng record na 49-0-0 nina Mayweather at heavyweight legend Rocky Marciano.