CLEVELAND – Matapos makilala bilang elite rebounder, nakakuha si Tristan Thompson ng long-term contract sa Cavaliers.
Nakipagkasundo na ang restricted free-agent forward sa defending Eastern Conference champions sa five-year, $82 million contract, upang ibigay sa Cavs ang kinakailangan nilang lalim sa frontcourt para sa bagong season.
Kinumpirma ng koponan nitong Miyerkules na mayroon na silang verbal agreement kay Thompson na tumulong sa Cavs para makarating sa NBA Finals noong nakaraang season matapos punan ang naiwang puwesto ni Kevin Love na nagkaroon ng injury.
Hinangad ni Thompson na makakuha ng maxi-mum deal, ngunit sinabi ng Cavs na bagama’t mahalaga sa kanila ang No. 4 overall pick, hindi sila magbabayad ng sobra para sa isang reserve player lamang.
Walang bumibigay sa magkabilang panig ngunit nagkaroon ng pagkakasundo si agent Rich Paul, kumakatawan din kay NBA star LeBron James at ang Cleveland front office, isang linggo bago magbukas ang kanilang season sa Chicago.