^

PM Sports

Nakipagkasundo na si Thompson sa Cavs

Pang-masa

CLEVELAND – Matapos makilala bilang elite rebounder, nakakuha si Tristan Thompson ng long-term contract sa Cavaliers.

Nakipagkasundo na ang restricted free-agent forward sa defending Eastern Conference champions sa five-year, $82 million contract, upang ibigay sa Cavs ang kinakailangan nilang lalim sa frontcourt para sa bagong season.

Kinumpirma ng koponan  nitong Miyerkules na mayroon na silang verbal agreement kay Thompson na tumulong sa Cavs para makarating sa NBA Finals noong nakaraang season matapos punan ang naiwang puwesto ni Kevin Love na nagkaroon ng injury.

Hinangad ni Thompson na makakuha ng maxi-mum deal, ngunit sinabi ng Cavs na bagama’t mahalaga sa kanila ang No. 4 overall pick, hindi sila magbabayad ng sobra para sa isang reserve player lamang.

Walang bumibigay sa magkabilang panig ngunit nagkaroon ng pagkakasundo si agent Rich Paul, kumakatawan din kay NBA star LeBron James at ang Cleveland front office, isang linggo bago magbukas ang kanilang season sa Chicago.

vuukle comment

ANG

EASTERN CONFERENCE

HINANGAD

KEVIN LOVE

KINUMPIRMA

MATAPOS

MIYERKULES

NAKIPAGKASUNDO

RICH PAUL

TRISTAN THOMPSON

WALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with