San Beda vs Letran, Unahan sa Game 1

Ang San Beda coach na si Ja-mike Jarin at si coach Aldin Ayo ng Letran.

MANILA, Philippines - Malaking kalamangan na ang makuha ang Game One sa isang best-of-three championship series.

Kaya naman inaasahang gagawin ng five-peat champions na San Beda at

karibal na Letran ang lahat para angkinin ang 1-0 bentahe sa kanilang paghaharap sa Game One ng 91st NCAA men’s basketball championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magkukrus ang landas ng Red Lions at Knights nga-yong alas-4 ng hapon matapos ang series opener sa pagitan ng Red Cubs at Arellano Braves sa juniors’ division sa alas-2.

“It’s going to be interesting but who ever brings the energy will have a chance,” sabi ni rookie coach Jamike Jarin na hangad ihatid ang San Beda sa kanilang pang-anim na sunod na korona at ika-20 sa kabuuan.

Gagamitin ni Jarin ang kanyang eksperyensa sa paggiya sa Ateneo Blue Eaglets sa ilang UAAP titles at ang Batang Gilas sa FIBA World.

Nasa kanilang ika-10 sunod na finals appearance ang Red Lions at gustong talunin ang Knights sa ikatlong pagkakataon sa NCAA Finals matapos noong 2012 at 2013.

Itinakda ng San Beda at Letran, may 16 NCAA crowns at huling nagkampeon 11 taon na ang nakakalipas, ang kanilang titular showdown nang sibakin ang Jose Rizal, 78-68 at ang Mapua, 91-90, ayon sa pagkakasunod sa Final Four.

Sina Jarin at Knights’ mentor Aldin Ayo ang mga unang rookie coaches na magsasagupa sa NCAA Finals matapos sina Boyet Fernandez ng San Beda at Caloy Garcia ng Letran noong 2013.

Ayon kay Ayo, hindi natatapos sa pagpasok sa NCAA Finals ang kanilang misyon.

“We’re not contented to just be in the finals. I want to be clear that we want to win and beat San Beda,” wika ni Ayo, miyembro ng Knights champion team ni coach Louie Alas.

Muling sasandigan ng Red Lions sina 6-foot-8 Nigerian import Ola Adeogun at 6’8 Ca-meroonian reinforcement Donald Tankoua bukod pa kina pro-bound Baser Amer at Arthur dela Cruz at guard Dan Sara.

Sina pro-bound Kevin Racal at Mark Cruz katulong si Rey Nambatac ang mangunguna naman sa Knights.

Sa juniors’ division, target ng Red Cubs ang record na pang-pitong sunod na korona at ika-22 sa kabuuan sa kanilang pakikipagharap sa Braves.

Dahil sa kanilang 18-game elimination round sweep ay dalawang panalo lamang ang kaila-ngan ng Red Cubs bunga ng bitbit nilang ‘thrice-to-beat’ advantage laban sa Braves.

 

Show comments