MANILA, Philippines - Matapos makansela noong Linggo dahil sa bagyong Lando, pormal na nagbukas ang 41st season ng PBA kahapon sa Mall of AsiaArena kung saan nakita ang mga rookie players ng 10 koponan na pumarada kasama ang kanilang naggagandahang muse.
Ang mga muse na pumarada ay sina Arci Muñoz ng Ginebra, Alyssa Valdez ng Talk ‘N Text, Rachel Anne Daquis at Alexa Micek ng San Miguel, Mika Reyes ng Barako Bull, Jasmin Fritzgerald ng Mahindra, Karylle ng Globalport, Max Collins ng Blackwater, Eula Caballero ng Meralco, Ann Lorraine Colis ng NLEX, Julie Ann Marie Bourgon ng Rain or Shine, ang Borlain Sisters ng Alaska at ang mga MS. Global candidates para sa Star Hotshots.
Ang opening game kagabi ay Rain or Shine kontra sa Star Hotshots na kasalukuyan pang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.
Ang lahat ng kinita kahapon sa tickets ay ipina-ngako ng PBA na ido-donate sa mga ‘Lando victims.’