UE palaban sa boys jrs. volleyball

MANILA, Philippines – Ipinakita ng UE Junior Warriors ang laro ng isang 11-time defending champion nang dungisan ang naunang malinis na karta ng National University Bullpups, 25-21, 25-15, 25-19 sa pagsisimula ng boy’s volleyball finals kahapon sa Adamson Gym.

Sinandalan ng UE ang determinasyon ng mga naiwang manlalaro upang tapusin ang 12 sunod na panalo ng NU na naiposte sa elimination round.

Kampeon na ang NU sa girls division nang walisin ang best-of-three series laban sa UST. (AT)

Show comments