NU, UP kampeon sa badminton

MANILA, Philippines – Hindi sinayang ng National University Bulldogs at University of the Philippines Lady Maroons ang impresibong ipinakita sa elimination round nang ibulsa ang titulo sa 78th UAAP badminton na hindi lumasap ng pagkatalo.

Parehong may thrice-to-beat advantage ang dalawang koponan at nagpatuloy ang mataas na estado ng paglalaro upang maidepensa ang mga hawak na titulo sa men’s at women’s divisions.

Bitbit ang 1-0 karta sa championship round, hindi nagpabaya sina Peter Magnaye, Keeyann Gabuelo, Alvin Morada, Ross Pedrosa at Paul Gonzales nang talunin nila ang La Salle Green Shuttlers, 3-0 at 3-1, tungo sa pagwalis sa serye.

Binalikat naman nina Bea Bernardo, Ann Maranon, Jessie Francisco at Lea Inlayo ang Lady Maroons para higitan ang ipinakita ng Ateneo Lady Eagles sa magkatulad na 3-1 iskor sa Games Two at Three. (AT)

 

Show comments