^

PM Sports

Paano na ang Cavaliers kung wala si James?

Pang-masa

CLEVELAND - Tanggap na ni LeBron James ang katotohanan na hindi na puwedeng balewalain ang kanyang injury kaya hindi siya makakasama sa pagsisimula ng Cavaliers ng kanilang season.

“I don’t think we will immediately be able to play at a high level because we have so many guys out,’’ sabi ni LeBron. “I don’t think our chemistry is where it needs to be to start the season off.”

Matapos pahinain ng iba’t ibang injuries sapul noong 2014-15 playoffs, bubuksan ng Cavs ang bagong season na wala sina starting guards Kyrie Irving (inoperahang tuhod) at Iman Shumpert (injury sa wrist). Sina Kevin Love (injury sa balikat), Anderson Varejao (Achilles injury) at Timofey Mozgov (injury sa tuhod) ay nagre-rekober pa mula sa ope-rasyon. Nagpapakipot  pa si Tristan Thompson para makakuha ng bagong long-term contract at si guard Matthew Dellavedova ay may sprained ankle.

Dagdag pa dito ang pagpapa-injection ni James ng anti-inflammatory para mabawasan ang nararamdaman niyang sakit sa kanyang likuran.

Hindi ito magandang simula para sa  Eastern Conference champions pero kumpiyansa si James na kapag nakabalik na silang lahat, may mararating ang Cavs.

“I think as we get guys back into the flow of things, guys come back off of injury and we’re able to put the time in on the practice floor, I think we’ll be a much better team,’’ sabi ni James.

Ang pagpapa-injection ay bahagi ng maintenance program ng 30-gulang na si James na ‘di nakalaro ng career-high 13 games noong nakaraang season. Nagpa-injection din siya  sa kaagahan ng nakaraang season dahil naapektuhan siya ng nananakit na tuhod at likod.

Nagpahinga siya ng dalawang linggo dahil dito kaya naging maa-yos ang kanyang laro sa second half ng season.

Sinabi ni James na mas maganda ang kanyang pakiramdam kaysa noong nakaraang taon at sinabi ng four-time MVP na hindi na siya uli magpapa-injection kung hindi niya kailangan.

“We’re definitely hoping that we don’t need it,’’ ani James na inaasahang ‘di lalaro nitong Linggo sa Toronto kung saan sasalang na si Love sa unang pagkakataon sapul nang ma-dislocate ang kanyang kaliwang balikat sa first round ng postseason kontra sa Boston.

ACIRC

ANDERSON VAREJAO

ANG

EASTERN CONFERENCE

IMAN SHUMPERT

JAMES

KYRIE IRVING

MATTHEW DELLAVEDOVA

SINA KEVIN LOVE

TIMOFEY MOZGOV

TRISTAN THOMPSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with