Nietes asam ang knockout win

CARSON, California – Alam ni WBO light flyweight champion Donnie Nietes ang mangyayari ka­pag napabagsak niya si Mexican challenger Juan Alejo ngayon dito sa StubHub Center.

Isa na rito ay ang pag-akyat niya sa flyweight di­vision kung saan may ma­lalaking laban na nag­hihintay sa kanya.

“Dapat impressive ang panalo ko,” ani Nietes sa bisperas ng kanyang unang laban sa United States.

Inamin ni Nietes, ang longest-reigning Filipino world champion, na pa­ngarap niyang makalaban sa isang malaking boxing card sa US.

“Tingnan natin,” wika ni Nietes, may bitbit na 36-1-4 win-loss-draw ring record kasama ang 21 knockouts.

Ito ang magiging pang-walong pagtatanggol ni Nietes sa kanyang ha­wak na WBO title na su­subukang agawin ni Ale­jo ((21-3-0, 13 KOs).

Tumimbang si Nietes ng 107.8 lbs, habang si Alejo, dalawang pulgada ang tangkad sa Filipino champion, ay may bigat na 107.4 lbs sa kanilang weigh in.

Matapos ito ay nagpor­mahan ang dalawang figh­ters sa harap ng mga ca­mera kasabay ng pagsa­salita ni ring announcer Jim­my Lennon Jr.

“Bakbakan na,” sabi ni Nie­tes matapos kumain ng pasta, nilagang itlog at saging.

Walang ibinigay na pre­­diksyon si Nietes kung ano ang mangyayari sa laban nila ni Alejo.

“Bukas na lang. Basta mag-e-enjoy ang tao,” sa­bi ni Nietes, ang tanging Filipino world champion.

Show comments