MANILA, Philippines – Kung hindi mapi-pigilan ang galing ni Ariel Usher ay hindi malayong madugtungan sa tatlong sunod ang pagpapanalo ng Cignal HD Lady Spikers sa pagpapatuloy ngayon ng 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament sa Cuneta Astrodome.
Kalaban ng nangungunang Cignal ang nangu-ngulelat na Meralco Power Spikers sa ganap na alauna ng hapon at tiyak na mananalasa uli si Usher para manatiling malinis ang karta ng koponan sa ligang inorganisa ng SportsCore at handog ng Asics at Milo bukod sa suporta ng Mikasa, Senoh at Muller na napapanood sa TV5.
Tinalo ng tropa ni coach Sammy Acaylar ang nagdedepensang kampeong Petron at Phi-lips Gold Lady Slammers sa limang sets at nakuha nila ito dahil sa bangis ni Usher sa kinanang 31 at 30 puntos.
Ang Power Spikers ay hindi pa nananalo matapos ang tatlong laro pero hindi nagkukumpiyansa si Acaylar lalo pa’t gumaganda rin ang laro ng Meralco.
“Balanse ang liga dahil mahuhusay ang mga imports at para manalo kami sa Meralco ay dapat magtulungan ang lahat,” wika ni Acaylar.
Ikatlong sunod na panalo matapos ang apat na laro ang target naman ng nagdedepensang kam-peong Petron Lady Blaze Spikers laban sa Philips Gold sa ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon.
Huling koponan na tinalo ng Petron ang Foton Tornadoes, 21-25, 25-20, 25-13, 12-25, 15-9 noong Huwebes ng gabi at gumawa si Dindin Manabat ng 28 puntos, mula sa 24 kills at 4 blocks, para pamunuan ang koponan.
May 11 puntos pa si Frances Molina habang sina Rupia Inck, Aby Maraño, Rachel Anne Daquis, Fille Cayetano at Erica Adachi ay nagsanib pa sa 32 puntos.
“Kailangan ang pagtutulungan ng lahat dahil ang ibang teams ay tala-gang gustong kunin ang title,” wika ni Petron coach George Pascua.
Isa na nga ang Lady Slammers na gusto silang talunin para makabangon mula sa ‘di magandang panimula at sina Michelle Gumabao, Myla Pablo at mga imports Alexis Olgard at Bojana Todorovic ang mga magdadala sa kanilang hamon.