CARSON, California – Nag-face-to-face sina Donnie ‘Ahas’ Nietes at Mexican Juan ‘Pinky’ Alejo na tila handa nang magpanabong para sa Pinoy Pride 33: Philippines vs the World sa StubHub Center dito.
Tinitigan ni Nietes, ang tanging reigning Filipino world champion ngayon, si Alejo sa press conference sa Carson Civic Center.
Nakaharap din nina, Albert Pagara, Mark Magsayo at Jason Pagara ang kanilang mga kalaban mula sa Nicaragua at Mexico sa unang pagkakataon.
“It’s time. It’s showtime,” sabi ng 33-gulang na si Nietes na itataya ang kanyang WBO light-flyweight crown laban sa Mexican.
Itataya rin ni Nietes ang kanyang reputasyon bilang longest reigning Pinoy champion sa kanilang sagupaan nitong Sabado ng gabi, Linggo ng tanghali sa Manila.
Ang tubong Negros Occidental na si Nietes ay world champion mula pa noong 2007 at hindi pa natatalo sapul noong 2004 kung saan mayroon itong 21 sunod na panalo.
Sinabi ni Alejo na nais niyang kunin ang lahat kay Nietes.
“But I prepared hard for this fight. I’m excited to fight him. I like to fight here for the Filipinos. If I get the chance I will knock him out,” sabi ni Nietes.
Nakatakdang mag-harap uli ang dalawa sa official weigh-in nitong Biyernes sa Carson Civic Center kung saan matatagpuan ang estatwa ni Philippine national hero, Dr. Jose Rizal.