MANILA, Philippines – Sa Enero na uli magsasanay si Claire Adorna sa hangaring makapaghatid ng medalya sa mga kompetisyong sasalihan at makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.
Ang 22-anyos na si Adorna ay nanalo ng gintong medalya sa idinaos na Singapore SEA Games noong Hunyo sa wo-men’s triathlon at ngayon ay nagpapaga-ling matapos operahan ang left tendon tear injury na nakuha bago pa ang SEAG.
“Nagpaopera po ako four weeks ago at inaasahan ko after two months ay fully back na ako at makakapag-swim, bike at run na. Mabilis naman ang recovery ko,” wika ni Adorna.
Dahil dito ay pahinga muna ang da-ting mag-aaral ng UP upang maikondis-yon ang sarili sa mas mapanghamong 2016 season.
“Naabot naman namin ang target kay Claire na mag-peak para sa Singapore SEA Games. She trained and competed in pain kaya ipinaopera na namin siya. Sa January 2016 na magsisimula ang kanyang six-year training program for the 2020 Tokyo Olympics,” wika ni Triathlon Association of the Philippine (TRAP) president at POC chairman Tom Carrasco Jr.
Anim na taon ang programa na kabibilangan ng overseas training kaya’t masasakop na rito ang paghahanda ni Adorna para sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia at 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Si Kim Mangrobang na kumuha ng pilak sa SEAG, ang makakasama ni Adorna sa women’s triathlon team habang ang Singapore SEAG gold medalist sa kalalakihan na si Nikko Huelgas ang magdadala sa laban ng mga Pinoy sa men’s division.
Sina Adorna, Mangrobang at Huelgas ay inaasahang isasalang sa 2016 Asian Triathlon Championship sa Japan sa Abril na isang Rio Olympics qualifying pero mahihirapan pa ang bansa na makakuha ng slot dahil ang unang dalawang triathletes na tatapos sa magkabilang dibisyon lamang ang aabante.
Maging si Adorna ay hindi nagmamadali at ang focus ay dahan-da-hanin ang preparasyon para maabot ang ultimong adhikain na makasali sa 2020 Tokyo Games.