Odom gumamit ng drugs?

MANILA, Philippines – Nagtamo ang dating NBA at reality TV star Lamar Odom ng brain damage, na-stroke ng hindi lamang isang beses at naka- ventilator ngayon matapos matagpuang walang malay sa isang bahay-aliwan sa Nevada kung saan ito nagbabad, ayon sa mga sources na malapit sa player.

Ayon pa sa mga source, ang  Los Angeles Lakers champion ay may iba’t ibang drugs sa kanyang sistema nang isugod siya sa ospital mula sa Love Ranch noong Martes ng hapon.

Sinabi ng Nye County Sheriff na si Sharon Wehr-ly nitong Miyerkules na natukoy na gumamit ang 35-gulang na si Odom ng cocaine noong Sabado nang pumasok siya sa naturang lugar ngunit hindi nabatid kung gumamit muli ito ng mga sumunod na araw.

Kumuha ng sample ng dugo ni Odom sa bias ng isang search warrant ngunit hindi pa bumabalik ang mga resulta.

Si Khloé Kardashian na pinakasalan ni Odom noong 2009 ang nagbabantay sa kanya sa ospital. Dumalaw din ang kanyang malalapit na kaibigan sa LA Lakers kabilang ang NBA star na si Kobe Bryant.

Show comments