MANILA, Philippines – Hindi lamang ang pag-lahok ng Gilas Pilipinas sa Olympic qualifiers sa Hulyo 5-10, 2016 ang kinumpirma ng Sama-hang Basketbol ng Pilipinas kungdi maging ang pagbi-bid para sa hosting ng torneo na naglalatag ng tatlong “wildcard” tickets sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro.
Inihayag ni SBP president Manny V. Pangilinan ang kanyang hangarin na makuha ang hosting ng isa sa tatlong Olympic qualifiers kung saan maglalaro ang Gilas Pilipinas bunga ng second place finish sa nakaraang FIBA Asia Championships sa Changsha.
“Insane as this may sound,” sabi ni Pangili-nan, “I’m actually inclined to go for a bid. We need that sixth man to help the team out against really formidable opponents. And you must know me by now, I will labor and persist until our country achieves its goal.”
Ang pangarap ni Pa-ngilinan ay ang maibalik ang Pilipinas sa basketball event ng Olympics.
Huling nakalahok ang mga Pinoy sa Olympic basketball noong 1972 sa Munich ngunit hawak ang record para sa pinakamataas na tinapos ng isang Asian country.
Ito ang fifth place fi-nish noong 1936.
Kinatigan naman ni SBP vice chairman Ricky Vargas ang nasabing pahayag ni Pangilinan.
“Yes, with all of MVP’s passion, puso and resources,” wika ni Vargas. “Para sa bayan that yes, we can.”
Sinabi ni Meralco senior vice president at PBA governor Al Panlilio na nagpadala na si Pangilinan ng mensahe kina SBP executive director Sonny Barrios at deputy executive director for international affairs Butch Antonio. “I’ve asked Butch to advise me (of) the (bidding) process and documents (required),” ani Panlilio. “We’ll make sure we do it.”
Nasa opisina ng SBP si Antonio para ayusin ang ilang dokumento na magkukumpirma sa partisipasyon ng bansa sa Olympic qualifiers pati na ang pagbi-bid sa isa sa tatlong torneo nito.
Nauna nang inihayag ni FIBA communications director Patrick Koller na ang deadline para magkumpirma ng partisipasyon at intent to bid ay sa Oktubre 19.
Sa pagtatala ng PBA at ng SBP ng isang initial pool na 17 players para sa Gilas, maaari nang paghandaan ng national team ang pagsali sa Olympic qualifying tournament.
Iaatras ng PBA ang iskedyul ng Governors Cup para sa Olympic qualifier.
Sinabi ni Koller na tatanggapin ng FIBA ang isang Asian country na maging host ng isa sa tatlong Olympic qualifiers.
At maaaring ikunsidera ang Pilipinas bilang serious bidder dahil sa ipinakita nitong laro sa FIBA World Cup sa Spain noong 2014.