San Beda iniligtas ni Adeogun vs Letran
MANILA, Philippines – Hindi hinayaan ni 6-foot-8 Nigerian import Ola Adeogun na mabalewala ang tradisyon ng five-peat champions na Red Lions.
Kumamada si Adeogun ng 21 points, kabilang ang isang follow-up basket sa natitirang 4.4 segundo, para ipreserba ang 83-78 panalo ng San Beda College kontra sa karibal na Letran College at angkinin ang No. 1 seat sa Final Four ng 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“It’s already a tradition for San Beda to be the No. 1 team in the Final Four,” sabi ni Adeogun, hu-mablot din ng 9 rebounds. “We want to beat Letran because of our rivalry with them.”
Bilang No. 1 team, lalabanan ng Red Lions ang uupo sa No. 4, samantalang haharapin ng No. 2 Knights ang No. 3 team.
Parehong may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage ang San Beda at ang Letran sa Final Four.
Kinuha ng Red Lions ang 67-62 abante sa huling limang minuto ng fourth quarter bago nakatabla ang Knights sa 78-78 mula sa three-point play ni Jomari Sollano kay pro-bound Arthur Dela Cruz sa huling 35 segundo.
Umiskor sa loob si Adeogun para sa 80-78 bentahe ng San Beda sa natitirang 17.2 segundo kasunod ang mintis na jumper ni Mark Cruz sa panig ng Letran.
Matapos imintis ni Baser Amer ang kanyang ikalawang free throw ay isinalpak naman ni Adeogun ang kanyang follow-up basket sa nalalabing 4.4 segundo para sa 83-78 kalamangan ng Red Lions.
Sa unang laro, umabante naman ang Mapua Cardinals sa Final Four matapos ang apat na taon nang sibakin ang 2014 runner-up na Arellano Chiefs, 93-75 sa kanilang duwelo para sa No. 4 spot.
Gumamit ang Cardinals ng matinding atake sa se-cond quarter para angkinin ang huling silya sa semifinals at makipag-agawan sa Jose Rizal Heavy Bombers para sa No. 3 seat.
Umiskor si pro-bound Josan Nimes ng 13 sa kanyang 21 points sa second period para sa Cardinals kung saan nila iniwanan ang Chiefs sa halftime, 49-33.
At mula dito ay pina-laki pa ng Mapua ang kanilang kalamangan sa Arellano sa 25 points patungo sa kanilang pagpasok sa Final Four matapos noong 2010.
MAPUA 93 - Nimes 21, Isit 14, Menina 14, Oraeme 13, Serrano 10, Brana 10, Aguirre 6, Nieles 5, Que 0.
Arellano 75 - Jalalon 37, Salado 9, Cadavis 7, Nicholls 6, Meca 4, Bangga 4, Tano 4, Holts 2, Enriquez 2.
Quarterscores: 16-15; 49-33; 69-51; 93-75.
SAN BEDA 83 - Adeogun 21, Mocon 16, Sara 12, Dela Cruz 12, Tan-koua 10, Soberano 4, Koga 3, Amer 3, Cabanag 2.
Letran 78 - Cruz 29, Racal 17, Sollano 9, Quinto 9, Nambatac 8, Balanza 2, Calvo 2, Luib 2.
Quarterscores: 17-12; 41-30; 59-48; 83-78.
- Latest