MANILA, Philippines – Kung hindi sasali ang Pilipinas sa Olympic qualifying tournaments na nakatakda sa tatlong magkakaibang bansa sa Hulyo 5-10, 2016 ay posibleng maparusahan ito ng FIBA.
Sinabi ni FIBA communications director Patrick Koller na “should a national team fail to participate, FIBA may decide that disciplinary sanctions be applied on the relevant national federation or federations.”
Sa kasaysayan ay tatlong beses nang nasuspinde ng FIBA ang Pilipinas.
Pinarusahan ng FIBA ang Pilipinas noong 1963 dahil sa hindi pagpayag na makapasok ang Yugoslavia at iba pang Communist countries para sumali sa World Cup.
Hindi binigyan ng Pilipinas ng visa ang naturang mga bansa kaya binawi ng FIBA ang hosting rights ng Manila bilang kaparusahan.
Nakuhang muli ng Manila ang hosting rights ng World Cup noong 1978.
Ang internal problem naman sa Basketball Association of the Philippines (BAP), dating kinikilala ng FIBA bilang national federation, ang nagresulta sa suspensyon noong 2001.
Noong 2005 ay muling nasuspinde ang bansa dahil sa pagtatanggal ng POC ng rekognisyon sa BAP bilang isang NSA.
Tumagal ang suspensyon hanggang noong 2007 bago nabuo ang SBP ni Manny V. Pangilinan bilang bagong NSA.
Ang Olympic qualifier ang magdedetermina sa huling tatlong koponan para sa 2016 Olympics.
Ang pagsali sa Olympic qualifier ay nangangahulugan ng pagpapalakas sa Gilas squad dahil sa mas mabibigat na mga kalaban kumpara sa nakaraang FIBA Asia Championships sa Changsha.
Ang mga bansang sasabak sa Olympic qualifiers ay ang New Zealand (Oceania), Angola, Tunisia at Senegal (Africa), Canada, Mexico at Puerto Rico (Americas), France, Serbia, Greece, Italy at Czech Republic (Europe) at ang Pilipinas, Iran at Japan (Asia).
“The objective of participating in any FIBA continental championship (as in the recent FIBA Asia Championships in Changsha) is clearly laid-out before taking part in these competitions. All teams aim to win the continental title and qualify, directly or indirectly, to the 2016 Rio Olympic Games. FIBA, therefore, expects all teams which have qualified either directly to the 2016 Rio Olympics or to the FIBA Olympic qualifying tournaments.”