^

PM Sports

Ladon pinalakas ang tsansa sa tiket sa 2016 Olympics

Pang-masa

DOHA, Qatar – Isang panalo na lamang ang kailangan ni light flyweight Rogen Ladon para makapagbulsa ng tiket patungo sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ito ay matapos talunin ni Ladon si Dawid Jagod­zinski ng Poland para umabante sa semifinal round ng 2015 AIBA World Boxing Championships dito sa Ali Hamad Al Attiya Arena.

Sinunod ng 21-anyos na si Ladon ang ginawang es­tratehiya nina coaches Nolito Velasco at Romeo Brin para dominahin si Jagodzinski sa tatlong rounds.

Ang tatlong judges mula sa Argentina, Puerto Rico at Russia ay nagbigay kay Ladon ng mga magkakatulad na iskor na 30-27 sa tatlong rounds sa naturang Olympic qualifier.

Kailangan ni Ladon na malusutan si Russian Vasili Ego­rov, ang No. 4 seed sa torneo, para makatiyak ng ti­ket patungo sa 2016 Olympic Games.

Sa evening session, minalas naman si welterweight Eumir Felix Marcial na sundan sa semis si Ladon nang yumukod kay World No. 1 Daniyar Yeleussinov ng Ka­zakhstan.

vuukle comment

ACIRC

ALI HAMAD AL ATTIYA ARENA

DANIYAR YELEUSSINOV

DAWID JAGOD

EUMIR FELIX MARCIAL

LADON

NOLITO VELASCO

OLYMPIC GAMES

PUERTO RICO

ROGEN LADON

ROMEO BRIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with