Pacquiao-Mayweather may Part 2?
MANILA, Philippines - Lumitaw na naman ang hindi pagkakaintindihan nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at Bob Arum ng Top Rank Promotions.
Sa pagbisita ni Pacquiao sa Doha, Qatar para sa 2015 World Boxing Championship ay may lumabas na balitang nakikipag-usap siya sa kampo ni Floyd Mayweather, Jr. para sa kanilang rematch.
“I will fight anybody, anywhere. I am going to fight probably before the election,” ani Pacquiaosa isang interview. “The election is coming next year and before that I will probably have one fight.”
Hindi binanggit ni Pacquiao ang pangalan ni Mayweather pero sa luma-bas na balita ay tinukoy ang undefeated boxer.
“I have no idea what he’s talking about,” wika ni Arum sa Yahoo Sports. “He said it, not me. But I have had no talks with anyone about that. None. Zero. Not one.”
Matapos talunin si Pacquiao noong Mayo 2 ay dinomina naman ni Mayweather si Andre Berto noong Setyembre kasunod ang kanyang pagreretiro.
Kaya naman nagulat si Arum sa pahayag ni Pacquiao.
“Mayweather is retired and I take him at his word. But second, you know there is no way that Mayweather is ever going to fight in the Gulf, even if he did decide to fight again,” ani Arum.
Kamakailan ay pormal na inihayag ng 36-anyos na si Pacquiao ang kanyang pagtakbo para sa Senatorial set matapos magsilbi ng dalawang termino bilang Congressman ng Sarangani.
Kasalukuyan nang kinakausap ni Arum si British star Amir Khan para sa posibleng laban nila ni Pacquiao sa Abril 9, 2016.
- Latest